Feb/19/2022 04:01 am
  K. Regio - Viyline Entertainment News

Cong TV and Viy Cortez, handa na nga ba sa next chapter bilang magulang ni Baby Kidlat

Matapos ang engrande at napakasayang gender reveal party nina Cong TV at Viy Cortez, sumabak ang magkasintahang vlogger sa isang matinding Valentine’s Day Q&A with VIYLine Entertainment News (VEN).


Matapang na sinagot ng dalawa ang mga tanong tungkol sa kanilang love story, relationship status, at future plans as soon-to-be Daddy Cong and Mommy Viy.





Throwback to 2015


Hindi lingid sa kaalaman ng fans nina Cong TV, Viy Cortez at ng buong Team Payaman na nagkakilala ang dalawa sa Facebook.


Kwento ni Viy sa VEN, April 2015 nang mag lakas loob siyang mag-chat kay Cong TV as an ultimate fangirl.


“Chinat ko sya sa Facebook kasi adik na adik ako sa mga Vines nya,” ani Viy, patungkol sa dating video sharing application na Vine.


“Eh nagkataon hindi ko inexpect, nagreply!” kinikilig pang dagdag ni buntis.


Inamin naman ni Cong TV na agad siyang nag-reply dahil napukaw sya sa ganda ni Viy sa profile picture nito.


Pero ano ba ang naramdaman nila sa kanilang unang pagkikita?


“Noong (unang) kita ko kay Cong, totoo ang slow motion,” paliwanag ng VIYLine Group of Company CEO.


“Nung tumayo sya at nakita ko, slow motion na yon. Ang tagal nung pagtayo tapos ang tangkad! Sabi ko ‘My God, ang hot neto!”


Kung nagkaroon ng slow motion moment si Viy Cortez, tila kabaliktaran naman ang naramdaman ni Cong TV.


“Sa’kin naman parang fast forward.”


“Kasi ang bilis ng pangyayari, yung isang araw na yon, naubos yung limang daan ko!” pabirong sabi ni Cong, na sya namang sinabayan ng iconic na tawa ni Viviys.


Bumawi naman ang soon-to-be-dad at sinabing sobrang ganda at dalagang dalaga si Viy na kaka-18 palang ng mga panahong iyon.






CongTViy kilig moments


Parati nila tayong pinapatawa at pinakikilig sa kanilang mga YouTube videos, pero ibinahagi ng dalawa ang mga bagay na kinakikiligan nila sa isa’t-isa.


“Nakakakilig pag kinakausap nya ko. Kunwari tungkol sa business pag may challenges ako, ang galing nya mang hype talaga.”


Dagdag pa ni Viy: “Kinikilig ako kasi nandyan siya para palakasin yung loob ko, feeling ko kapag kasama ko sya kaya kong abutin ang lahat.,” paliwanag ni Viy.


Samantala, lubos naman na-appreciate ni Cong ang mga surprises sa kanya ni Viy mapa may okasyon o wala.


“Ang nakakakilig yung mga little surprises. Mga munting regalo nya, mga kakaiba. Kahit ayaw ko, sinusurprise nya ako.”


Nakakatawa namang inamin ng dalawa ang bagay na kinaiinisan nila sa isa’t-isa.


“Ang kinaiinisan ko kay Cong, trenta na computer parin ng computer, baril ng baril!”


Sagot naman ni Cong: “Yung mga ayaw ko (sakanya) yung nagbabaril ako, pinapatulog ako!”






First time parents


Limang buwan na lang at makikita na ng dalawa ang kanilang panganay na kung tawagin nila ngayon ay Baby Kidlat.


Inamin ng dalawa na may kaunting takot din sila sa pagdating ng kanilang Unico Hijo.


Ayon kay Cong, kinakabahan sya sa pagbubuhat kay Baby Kidlat dahil hindi pa nya nararanasan humawak ng newborn baby. Inamin naman ni Viy ang kaniyang greatest fear bilang isang ina.


“Alam mo hanggang ngayon ang kinatatakutan ko yung mawala si Kidlat.”


“Kahit hanggang manganak ako yun ang katatakutan ko eh, hanggang sa tumanda ako. Yung mauna sya sakin. Siguro lahat ng magulang yun ang fear.”


Ngunit sa kabila ng mga pangamba ay mas lamang ang excitement sa nalalapit nilang pagkikita ni Baby Kidlat.


Ayon kay Cong, excited na sya maranasan ang pag-aalaga ng sanggol. Samantala, si Viy naman ay nasasabik ma-witness ang mga “first” milestones ni Kidlat.



Bitin ka ba sa kwentuhan? Don’t forget to follow VIYLine Entertainment News (VEN) sa Facebook and Twitter para sa iba pang latest chika about Team Payaman!