Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng ng Team Payaman, inamin ang unang pagsubok bilang mag-asawa
“Everytime na magkakasakit ako, you were always there.”
Ito ang nakakakilig at nakaka-touch na pahayag ng vlogger na si Christian Gaspar o mas kilala sa tawag na Boss Keng patungkol sa kaniyang asawa na si Pat Velasquez-Gaspar.
Kamakailan lang ay sumabak ang newlyweds sa Valentine’s Special Interview hatid ng ViyLine Entertainment News (VEN).
Ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga favorite moments, dream date, pati narin ang mga unang pagsubok bilang bagong kasal.
Perfect Valentine’s Date
Dahil katatapos lang ng Araw ng mga Puso, inamin ng dalawa na kahit halos 12 taon na silang magkasintahan ay mayroon parin silang pinapangarap na simpleng date.
Dahil mahilig magtravel sina Boss Keng at Pat (a.k.a Neneng Lameg), isa sa kanilang pangarap na Valentine’s Date ay magkaroon ng kakaibang experience sa beach.
“Beach. ‘Don kami mag-stay sa likod ng sasakyan, stargazing. ‘Yun ang pinaka-perfect!”
Dagdag pa ng dalawa, nais nilang magkaroon ng quality time sa tahimik na lugar kung saan walang signal ang internet para makapag focus sila sa isa’t-isa.
Samantala, ipinagdiwang naman nina Boss Keng at Pat ang Valentine’s Day 2022 sa pamamagitan ng pag bisita sa location ng kanilang soon-to-open na food business.
Live-in revelation
Hindi maitatanggi na maraming bagay ang kailangang isaalang-alang ng mga magkasintahan upang lalong pagtibayin ang kanilang pagsasama.
Ibinahagi ng tambalang PaTeng na isa sa pinakamahirap na desisyon na hinarap nila bilang magkasintahan noon ay ang pagsasama sa isang bahay kahit hindi pa sila kasal.
“Noong nag-live in kami, medyo mabigat siya eh! Lalo na sa parents ko na Christian Catholic,” kwento ni Pat sa VEN.
“Kami ni Keng, simula nung tumira kami sa Payamansion 1, napag-uusapan namin na nagi-guilty kami pareho,” dagdag pa ni Mrs. Gaspar.
Bukod sa pagmamahal sa kanyang nobya, inamin ni Boss Keng na isa ito sa dahilan kung kaya nagpasya na silang magpakasal.
“So kaya ito si Boss Keng, pinakasalan si Neneng Lameg!”
Pagsubok sa buhay mag-asawa
Gaya ng karamihan sa bagong kasal, inamin ng PatEng ang kagustuhan narin nilang magkaroon ng anak.
Ayon sa mag-asawang vlogger, mahigit dalawang buwan narin silang sumusubok makabuo ng supling matapos ikasal noong Nobyembre ng nakaraan taon.
“Monthly kaming hopeful na sana meron na,” ani Pat.
Umaasa ang bagong misis na mag bunga na pagmamahalan nila ni Boss Keng. Ngaunit hindi naman aniya sila nagmamadali at willing maghintay ng tamang panahon.
“Miracle sya na ibibigay ni Lord, waiting kami sa kung kailan niya ibibigay. Waiting! Sana [dumating] this year!” lakas loob na iginiit ni Pat.
Last name tampuhan
Samantala, ekslusibo ring binahagi ng dalawa ang tila una nilang tampuhan bilang mag-asawa.
Nang tanungin ng VEN kung plano bang panatalihin ni Pat ang kaniyang maiden name, naging mabilis ang kaniyang sagot: “Hindi na, gusto ko Gaspar [yung apelyido ko]”.
Kasabay nito ay inamin ni Mrs. Gaspar na tila nagtampo noon sakanya si Boss Keng dahil napapansin nitong hindi nya pinapalitan ang kaniyang surname sa mga social media accounts.
“Parang two-three weeks after nung kasal, si Keng nagtampo sakin. Napansin niya na hindi ako nagpapalit ng surname sa Facebook, Youtube.”